super nostaligic talaga! parang gusto kong bumalik bigla sa pagkabata ko nung napanood ko to! lahat ata ng nasayaw nila sinasayaw ko noon. binilhan pa nga ako ng mama ko ng album ng universal motion dancers noon. uso kasi ang butterfly dance noon. tapos pag sumasayaw naman ang streetboys hinihinto namen ang mga ginagawa namin para lang manood. habang pinapanood ko to nung sunday sa asap sumasayaw ako. kasi alam ko pa din yung mga steps. pinaka favorite ko ung "tootsie roll". malamang kung di mo alam kung ano ang pinagsasabi ko eh bata ka pa noon o kaya pinagplaplanuhan ka palang gawin ng magulang mo noon. nostalgic talaga. time warp talaga. sana bata ulit ako.