Saturday, September 29, 2007
Dear you-know-who-you-are,
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan dahil hindi ako natuwa sa mga sinabi mo sa akin. parang pakiramdam ko kasi talagang ang panget ng ugali ko. nagiilusyon lang pala ako na mahal mo talaga ako pero hindi mo talaga ako mahal. kung mahal mo kasi ang tao tatanggapin mo ang mga flaws niya, pero you're trying to change me. kung hindi mo ma-gets kung bakit ako ganon pag nakikipag away kung bkt ako pansamantalang umaalis kasi nagpapalamig ako. kung ikw gusto mong ayusin agad, hindi ako ganon katulad mo. kung gusto mo mas maganda mong gawin mag hanap ka nalang ng taong ganon. lam mo ba kung gaano ako nasaktan sa mga nasabi mo kagabi, SOBRA SOBRA. prang tingin ko tuloy sa sarili ko na panget yung ugali ko at ung buong pagkatao ko. lalo na coming from you ung mga words na yun. hindi ko na kayang magilusyon na ikaw mahal mo ko dahil tanggap mo talaga ako. pero narealize ko na hindi talaga ganon. galit na galit ako sayo. akala ko kakampi kita. akala ko pag tinalikuran ako ng buong mundo andyan ka lang para saken. hindi pala. isa ka din pala sa mga kritiko ko. kung sinasabi mo yan para sa ikabubuti ko sa tingin ko lalo pa siyang nakasama saken. lalo na tlga akong natakot sa mundo. imbes na i uplift mo yung spirit ko, imbes na sbihin mo kahit papaano yung mga magaganda ugali ko na hindi nakikita ng tao hindi mo magawa. kaya nasasaktan ako kasi sobrang unfair. ako ganon ako sau. mas minahal ko yung mga flaws mo. mas inuna ko tingnan ang negative sau kaysa sa positive side mo. sa totoo lang ang hirap hirap mo mahalin. lalo lang ako nalulungkot. tapos nung sinabi mo pa na kaya gsto mong baguhin yung ganong ugali ko dahil lalaki rin si kio ayaw mo takbuhan ko. kung tumakbo ako sana matagal ko ng ginawa yun. nung umuwi ako dyn sa pilipinas sa totoo lang ayoko ng bumalik dito. mas gusto ko ng makasama ka. kaso mas inisip ko pa din na may batang naghihintay saken. hindi ko tatakbuhan kung ano man ang maging problema ni kio kasi flesh and blood ko si kio. mahirap matiis. parang kasi ang dating sken magiging masama ako ina para sau kaya sobrang sakit. hindi pala talaga kita kakampi. ayoko na talaga. nakakapagod ka. ang sasakit pa ng salita mo. akala ko maiintindihan mo ko. hindi pala. at kailanman hindi mo ko kayang mahalin kung sino talaga ako at hindi mo ko kyang intindihin.
10:16 AM